Thursday, September 22, 2011

Pakinggan Mo Para Digs!



     MUSIKA ― isang salitang sinasabi ng marami na bumubusog sa’ting kaluluwa.  “Food for the soul” ika nga sa inggles. Oo, tango naman ako sa pagpapakahulugang iyon. May kasama pang thumbs up. Para sa’kin naman, ‘yung musika eh nag-exist (and still existing) tulad ng iba pang species na namuhay kasabayan ng dinosaurs, for example, at na-extinct at nabura sa mundo no’ng pumalpak ang isa sa pinakamalaking fireworks display sa earth (bahala ka kung maniniwala kang meron nga). At ang musika ay isa rin sa mga species along with mareng lamok and pareng buwaya na natadhanang maka-survive sa trahedyang ‘yon (kung meron talagang ganung nangyari billions of years ago).

     Anyway, bago n’yo pa ako sabihang weird at baliw eh sasabihin ko na sa inyo na hindi ko alam kung totoong may dinosaurs na na-extinct at papaalala ko lang sa inyo na hindi isang uri ng specie ang musika. Kung baga, ginamit ko lang ‘yun para paguluhin ‘yung sarili kong pagpapakahulugan sa katagang musika. Eto lang naman ang gusto kong sabihin: Ang musika ay nauna sa tao at nariyan pa rin yan kahit deads na ang sangkatauhan. Ang musika ay naghuhulma, lumilikha, at nakapagpapabago ng tao ― that’s one from me!

     Okay. Balik matinong-usapan na tayo. So, ‘yun na nga, given na, food for the soul nga raw. Edi dapat lang pala na kumakain tayo ng musika na para sa’tin at akma sa t’yan natin para mabusog tayo, ‘yung totoong busog, ganon ba? Malamang siguro(?). Kasi ang hirap naman imagine-in na pusa ang kumakain sa damo, daga ang nginangatngat ng aso, at buto naman ang nginunguya ng kabayo. DISASTER. Ngayon, subukan natin i-apply sa totoong buhay. So, may super disaster pala na nangyayari dito sa Pilipinas? Kase, imbes na pagyabungin natin ang ating kultura through listening to our own music, kung anu-anong tugtugin pa iniindakan natin eh? Ang siste, we’re eating the wrong food, tulad nga ng pag-shuffle ng pagkain ng mga hayop na nabanggit sa itaas. And that would leave a great effect towards our culture; our nationalism. Bakit kaya hindi natin i-try tumikhim ng mga ulam sa buffet service na niluto ng mga brothers and sisters natin? Why not, ‘di ba?

     Digs na?/ba?

     Capital N.O.T.E. : HINDI KO SINASABING ‘WAG KAYO MAKINIG NG FOREIGN MUSIC. Hindi ko sinasabing ‘wag n’yo na kantahin ‘yung mga tsekwang soundtrip n’yo. Hindi ko rin sinasabing ‘wag na kayo bumili ng original album ng mga kantang kanluranin na ang tema ay: (excuse me for the term) LIBOG. At hindi ko rin iniuutos na tumigil na kayo sa pagpapantasya sa mga theme song n’yo ng mga jowa n’yo. Gusto ko mang sabihing ‘wag na kayo makinig ng ganyan, alam kong wala naman akong karapatan. Eh gusto n’yo ‘yan eh.

     Baka naman isipin n’yo, sinasabi kong wala kayong taste when it comes in choosing your kind of music. Kanya-kanyang shit lang naman tayo eh, and I respect that. Ang punto ko lang dito, aba putangina n'yo, pansinin n’yo naman ang OPM! Kahit ilang pirasong kanta, namnamin n’yo naman! Magpa-print din kayo ng lyrics tulad ng pagpapa-print n’yo ng lyrics ng isang kantang tungkol sa sex sa isang club. Bigkasin n’yo habang sumasabay kayo sa kanta tulad ng pagsabay n’yo sa koro ng kanta ni Miley Cyrus. Dibdibin n’yo ‘yung buong kanta ― lahat ng elemento/instrumento. Punta naman kayo minsan sa gig ng mga astiging OPM bands, ‘wag puro nood ng Glee sa cable. Sigawan n’yo naman na mahal n’yo ‘yung mga OPM artists katulad nung pagtili n’yo sa mga members ng Super Juniors.  I-rap mo naman ‘yung mga malulupit na litanya ni Gloc-9 at ‘wag puro kanta lang ni Bruno Mars. Appreciate naman natin at suportahan ‘yung totoong atin. At ang pinaka sa lahat, ‘wag n’yo naman sabihang pangit ang OPM kahit hindi n’yo tina-try na pakinggan muna ito. ‘Wag naman puro sa kanila.

     Tulad ng isang bata na nagseselos dahil puro ‘yung anak ng kapitbahay lagi ‘yung kalaro ng ate o kuya n’ya, jealous din ang industriya ng Original Pilipino Music sa mga ungas na ‘yan.

     Napakalawak ng mundo ng OPM. Dito, maraming musicians. Fucking great musicians! Who make fucking best, real music. Na hindi alam at hindi kilala ng marami sa atin, which they don’t deserve. ‘Yung mga kantang Pilipino na naririnig n’yo sa radyo o napapanood sa Myx? Hindi lang ‘yan. There’s more behind the curtain. Hanapin n’yo lang.

     Kung hindi mo pa rin gets ang mga sinasabi ko dito, madi-digs mo rin ako ‘pag nahanap at napakinggan mo na ‘yung totoong music para sa’yo. Parang true love lang ‘yan eh. Hanap ka ng hanap, puro mali naman inaakala mo. ‘Yun pala, ‘yung kaklase mong uhugin nung elementary ‘yung true love mo. Pero ‘wag ka teh, gandang-lalaki na s’ya ngayon.

     Naranasan mo na bang ma-sexy-han sa bass riffs ng isang kanta? Naranasan mo na bang matulala habang nakangiting pinapakinggan ang hayop na guitar riffs sa bridge ng isang tugtog? Naranasan mo na bang mapa-air guitar dahil sa siksik na rhythm ng isang awitin? Eh ang mapa-break dance sa astig ng pagkaka-scratch ng turntables? Mapapikit sa bawat ihip sa saxophone sa isang kanta? Mapaindak sa bawat palo sa djembe ng perkasyonista? Mapaindak sa pagpindot ng pianist sa piano n’ya? Tapos mapapasabay kang kumanta sa bokalista ‘pag lahat perpektong sumasabay at gumagawa ng magandang musika. Mangingilabot ka na lang bigla siguro dahil sa pagka-swabe ng kanta, o pwede rin dahil sa malupit na letra, o pwede rin dahil sa damdaming ng kumakanta. At pwede ring mangilabot ka na lang na hindi mo alam ang dahilan. ‘Yan ang award mo. Lahat ng ‘yan pwede mo maranasan sa pakikinig ng OPM. I guarantee you. Kung sasabihin mong hindi mo naranasan after mo makinig, pakamatay ka na.

Tell me the music you listen ….. AND I TELL YOU MINE!!!!

DIGS!
Djembe
Google.com