Palparan,
O, naman
Anak ng tokwa.
Gusto ko lang ipaalala,
'Di porke't ikaw ay naglaho,
Isa ka nang
Desaparecido.
Dahil gago
Ang isang tulad mo.
'Wag ka nang magtago.
Subukan mo mang magkubli
Sa lilim ng saya
Ng iyong ina,
Kayo pa ri'y magtatagpo
Ng mahal mong bossing
Sa loob ng
Komedyang kulungan.
Tama ang ‘yong rinig:
Komedya.
'Pagka't s'an ka nakakita
Ng isang tao
Na sukdol gumawa
Ng mga sala
Na hayup sa gara
Kanyang selda?
'Ka'y mapapanganga.
Malaki,
Magarbo,
De-erkon,
De-tiles,
Guwardyado.
Kaya siguro
Ang mga tao'y inspirado
Gumawa ng katarantaduhan
Kasi naman
Ginhawa'y hantungan.
Kung ako'y bigyan man
Pagkakataong pumili
Ng inyong selda,
Gusto ko ay 'yung kumpleto
Sa kagamitang pang-torture.
'Yung unti-unting sakit
Ang ramdam.
Hardcore dre.
Mayroong garote.
Ang talas,
Tulad ng sa bread knife,
Hindi sa leeg
Kundi,
para sa kili-kili.
Ang dila ng magsisinungaling,
Kandila ang papatak,
Papaso.
Ang plais,
Ay para sa mga kukong
Kakabit ng makasalanang
Mga daliri.
Isa-isang huhugutin
At bubudburan
Ng sili't asin.
Mahapdi, makirot.
Sadista?
Hindi ah.
Kulang pa.
KULANG.
Walang sukat ang hinagpis
Ng mga taong
Naghahanap,
Umaasa,
Kahit sa bangkay
Ng kan'lang
Mahal sa buhay.
Ulila.
Na inyong dinakip,
Tinago,
At 'di na nakita.
Pagsalungat at pagbubunyag lang
Kan'lang gusto.
Pangit kasi
Ang inyong tambalang
PALPARROYO.
Sakim at berdugo.
Kaya ikaw Palparan,
'Wag nang mag-tago.
Miss ka na
Ng maraming taong
Galit na galit sa'yo
at sa kumander mo.
Kayo'y magsasama sa selda.
Sa
Hirap
at
Pagpawi.