Saturday, October 30, 2010

Sino Ang Magnanakaw?

     Sino ang magnanakaw?


     Kung ilalarawan mo ang isang taong magnanakaw, anong gagamitin mong mga pang-uri? Madungis, payat, gulagulanit ang suot, maitim, mabaho. 'Yan ang karaniwang sasabihin ng karamihan.


     Sa panahon natin ngayon, hindi ang mga taong madungis, payat, gulagulanit ang suot, maitim at mabaho ang magnanakaw. Sila ang nananakawan.


     Mabango, makikinis ang kutis, pormal palagi ang suot, malaki ang tyan at mukhang malinis. 'Yan. 'Yan ang tamang pang-uri para sa mga magnanakaw. Sila ang pinakamatinik na mandarambong ng ating panahon. Parang LUPIN ang dating ng mga ito. Tama, MGA. Marami kasi sila. Lantaran kung magnakaw. Ngunit wala silang iniiwanang bakas. Kung meron man, maliit na pruweba lang. Hindi rin sila napaparusahan. Hindi rin nakukulong. Wala silang pakialam kung
sino man ang nakawan nila. Mula bata, hanggang matanda. Mula sa sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina hanggang sa ulyaning bungal na tumanda na kakakayod para sa wala. Pati mga patay, nananakawan nila.


     Kaya, kung sakali mang maligaw ka sa isang madilim na kanto at may makakasalubong kang isang pormal na tao at isang marungis na tao, doon ka lumapit sa alam mong hindi mandurugas. Mahirap na. Baka sa isang maling desisyon mo, malimas lahat ng mayroon sa'yo.




http://www.flickr.com/photos/juliedermansky/2360154594/

No comments:

Post a Comment

Feel free to express your self. Feel free to criticize.