Tuesday, May 24, 2011

Ang Bahag-hari ng Hari

(monologo ng isang tinig)

Naniniwala naman ako sa'yo eh. Kaso, masyadong mataas ang pride ko para makiusap sa'yo na 'wag mo nang iparinig pa sa akin ang mga hinala at kaba nila. Nalalason 'tong utak ko. Dati na nakahiga at komportable ako sa'yo, ngayon nga eh nakaupo na at gusto ko nang sundan ang mga boses sa labas. Kantahan mo naman ulit ako oh. Sige na. . . nang antukin muli at humimlay sa kanlungan mo.

Hindi ko kayang magsumamo at umiyak sa harap mo para humingi ng tawad sa mga pagkakamali ko. Baka sabihin mo kasi, tuwing may kailangan lang ako ume-epal sa'yo. Baka isumbat mo pa na natatakot na 'ko tsaka nawawalan na ng tiwala sa'yo. Baka isipin mo, naninigurado lang ako. Playing safe ba, ika nga.

Totoo naman 'yung sa mga kulay 'di ba? Na t'wing nagkakaroon non eh ibig sabihin, hindi mo pa nalilimot 'yung pinangako mo. 'Yun 'yung tanda 'di ba, sabi mo? 'Pag ikaw, hindi tumupad sa usapan, hindi na TALAGA ako maniniwala sa salitang 'PANGAKO'. Ang dami na kasing nandudugas gamit 'yung salitang 'yun eh. Pero 'wag ka mag-alala; kailanman, hindi ko naisip na mandurugas ka. Ikaw pa! Malakas ka sa'kin.

Sige, sa susunod na lang ulit. Sa panahong 'yun eh kekwentuhan na lang kita tungkol sa pitong kulay na 'di kumukupas sa ganda na katulad pa rin ng dati.

http://kjy0517.blogspot.com/2010/07/relax.html?zx=e17c78d717bb8c14

1 comment:

Feel free to express your self. Feel free to criticize.