Friday, February 25, 2011

Nganga Na!



Tuwing ikaw ay ngumangawa,
Dahil walang laman ang ‘yong sikmura.
Mga kapatid ay nasa labas ng bahay,
At nagpapaalipin naman si nanay.

Huwag nang mag-alala pa,
Narito na ang ‘yong taga-alaga.
Bubusugin ka sa pormalin,
Kahit hindi iyon ang sa kanya’y bilin.

Ibuka na ang iyong bibig,
Wag nang hintayin pang ika’y makabig,
Ng mapagbalat-kayo mong bantay,
Na s’ya ring umaapi sa’yong nanay.

Tuwing kayo ay ngumangawa,
Kasama ang mga kapatid mo ng walang sawa,
Magpapasubo pa rin ba sa manlulusob,
Para kunyari, kayo ay busog?

Hindi mo man lang ba titikman
Mga putaheng gawa ni Inang?
Puro basura na lang ba
Papasok sa iyong bunganga?