Tuesday, March 01, 2011

Ang Hapunan

(Monologo ng isang hari)
  http://www.travelpod.com

Maghahapunan nanaman ako. Hindi pa naman ako gutom pero oras na para kumain. Ano naman kayang ihahandang putahe ng kusinero? Ilan kaya? Araw-araw, iba't-ibang pagkain ang nakahain sa mesa. Madalas nga, hindi ko na alam kung ano na 'yung kinakain ko.

Aaaaggghhh! Kay aliwalas ng hapag! Mabuti't hindi ako kabilang sa mga taong nakatira sa kanayunan. Paano kaya nilang natitiis ang walang kuryente? 'Di bale, sanay naman sila sa ganun.


http://www.tripadvisor.com
Napakaespesyal ko talaga!!


Ayan, nakahain na ang hapunan ko. Wala ba akong kasamang kumain? But that's alright! Hangga't ganito parati ang hapunan ko, that's absolutely alright! Mas gugustuhin ko pang maghapunan mag-isa kaysa kumalam ang sikmura ko tulad ng mga pamilyang walang makain. Paano kaya nila nakakaya ang ganoong buhay? 'Di bale, sanay naman sila sa ganun. 



Napakasarap ng mga luto! Ayoko na yatang umalis sa palasyong ito. Sayang! Hindi alam ng mga street children kung gaano kasarap ang mga kinakain ko. 'Di bale, sanay naman sila sa mga kinakain nila. 'Di bale, sanay naman silang hindi kumakain. 



Napakaespesyal ko talaga! 



Naku! Mamaya pagtapos kong kumain, siguradong makakatulog ako agad ng mahimbing! Hihiga muli ako sa malambot at malaki kong kama katabi ng asawa ko. Sayang naman at 'di kasama ng mga OFWs ang mahal nila sa buhay matapos kumain ng hapunan. Baka nga wala silang kamang tinutulugan eh. O baka nga gutom silang nakatulog eh! Paano at bakit kaya nila tinitiis ang ganung sitwasyon? 'Di bale, sila naman ang pumili no'n kaya masasanay rin sila dun!

Tapos na akong kumain. Mapapagod nanaman ako kakaisip kung ano nanaman ang mangyayari bukas. Pero tingin ko, mas mapapagod ang mga tagaligpit ng pinagkainan ko tulad ng mga tagahugas ng plato sa mga kainan. Malamang ay nalimutan na nila kumain sa sobrang busy sa trabaho. Kawawa naman. Pero ayos lang 'yon! Masipag talaga sila eh.

Matutulog nanaman ako. Sana'y mahimbing. Maitanong ko nga lang ulit sa sarili ko: PAANO KO NAAATIM ANG GANITONG BUHAY? May bago na kaya bukas? 'Di bale, sanay na ako sa ganitong mga hapunan. Ano naman kayang hapunan ko kinabukasan?





4 comments:

  1. SUPERB, Romina. Idooooooooooooooooooooool!

    Naalala ko tuloy 'to...

    Ang hari ngayon bukas magsisilbi
    Ang dating nangunguna ngayo'y mahuhuli
    Ang araw ay sikat at lulubug din
    Ang buhay ng api ay siyang giginhawa rin

    Giginhawa rin aaaahhhhhh aaahh
    Giginhawa rin aaaahhhhhh aaahh
    Giginhawa rin aaaahhhhhh aaahh
    Giginhawa rin aaaahhhhhh aaahh

    May iilan ang dati ang mayroong paki
    Sa mga bagay-bagay munti at malaki
    Ang dating mga taong tahimik lang sa tabi
    Ngayo'y galit sila at gustong maghiganti

    Lalala pa pare ko
    Lalala pa pare ko
    Sapagkat... (sapagkat)

    Tuloy ang ikot ng mundo (8x)
    Ng mundo, ng mundo, ng mundo
    Tuloy ang ikot ni pe (3x) ... pe
    Tuloy ang ikot ng mundo
    Ng mundo, ng mundo, ng mundo

    ReplyDelete
  2. Hindi alam ng mga street children kung gaano kasarap ang mga kinakain ko. 'Di bale, sanay naman sila sa mga kinakain nila. 'Di bale, sanay naman silang hindi kumakain.

    -heartbreaking words from Epistolarian Baron

    ReplyDelete
  3. Grabeeee. This is sooo good; and not mention that it's both dramatic and realistic.

    Handsdown to you, tsong!

    ReplyDelete

Feel free to express your self. Feel free to criticize.